^

Bansa

Walang 'bulong brigade' si GMA

-
Walang "bulong brigade" ang Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na siyang nagbibigay sa kanya ng mga impormasyon at payo sa mahahalagang isyu at problema ng bansa.

Ito ang reaksyon ni Acting Press Secretary Silvestre Afable sa akusasyon ni Council for Philippine Affairs COPA) secretary general Pastor "Boy" Saycon na kaya umano siya napag-initan ng Pangulo ay dahil sa mga bumubulong dito at nagbibigay ng maling impormasyon.

Sinabi ni Afable na ang Pangulo ay walang "cordon sanitaire" na siyang kumokontrol at nakakaimpluwensiya sa paggawa nito ng desisyon.

Ang paglilinaw ay ginawa ni Afable sa naging pahayag ni Saycon na ilang mga tagapayo ng Pangulo ang responsable sa marami nitong pagkakamaling pulitikal na mismo namang inamin ng Pangulo.

Tinagurian ni Saycon na mga miyembro ng "bulong brigade" ang nagbibigay ng maling impormasyon sa Pangulo kaya’t siya ay napag-initan na naging dahilan para bitiwan niya ang puwesto bilang director ng Philippine Deposits Insurance Corporation (PDIC).

Partikular na tinukoy ni Saycon si Political Adviser Joey Rufino na siyang nag-iintriga sa kanila ni COPA Chairman Jose "Peping" Cojuangco Jr. (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

ACTING PRESS SECRETARY SILVESTRE AFABLE

AFABLE

CHAIRMAN JOSE

COJUANGCO JR.

LILIA TOLENTINO

PANGULO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

PHILIPPINE AFFAIRS

SAYCON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with