^

Bansa

Pagbitay sa 3 convicts di pipigilan ni GMA

-
Hindi pipigilan ni Pangulong Arroyo ang pagbitay sa 3 death convicts na nakapila sa pagturok ng lethal injection ngayong taon

Sa panayam, sinabi ng Pangulo na nais niyang turuan ng leksiyon ang mga kriminal sa pamamagitan ng implementasyon ng batas sa parusang kamatayan.

Iginiit ng Pangulo na mas mabuting ipatupad ang death penalty kumpara sa pag-salvage o summary execution na isinusulong ng ilang sektor.

Sinabi ng Pangulo na ang unang tatlong death convicts ang kanyang pasasampolan ng bitay.

Sa kabuuang 17 death convicts na pinagtibay ng Korte Suprema, 15 ay rapist samantalang 2 ang kidnappers na idineklara ng Pangulo na isang malaking problema sa kriminalidad sa bansa.

Samantala, unang isasalang sa lethal injection ang convicted rapist na si Alfredo Nardo (Nardo Pagdayawan sa mga naunang nalathala) na nakatakdang bitayin sa Oktubre 16 taong ito.

Sa Nobyembre 2002 ay isusunod ang mga kidnapper na sina Roderick Licayan at Roberto Lara. (Ulat nina Ely Saludar/Gemma Amargo)

ALFREDO NARDO

ELY SALUDAR

GEMMA AMARGO

KORTE SUPREMA

NARDO PAGDAYAWAN

PANGULO

PANGULONG ARROYO

ROBERTO LARA

RODERICK LICAYAN

SA NOBYEMBRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with