Peping utak ng 'anay' sa administration
July 13, 2002 | 12:00am
Pinaghihinalaan ng Malacañang si dating Tarlac Congressman Jose "Peping" Cojuangco na utak sa panggugulo ni Pastor Boy Saycon ng Council on Philippine Affairs (COPA) laban sa Arroyo administration.
Sinabi ni Presidential Political Adviser Joey Rufino na tumibay ang kanilang pagdududa kay Peping dahil ito ay biglang umalis ng bansa sa gitna ng ginagawang pagbanat ni Saycon sa gobyerno.
Si Cojuangco ay chairman at si Saycon ang secretary general ng COPA at ayon kay Rufino ay magkadikit ang dalawa.
Sinabi pa ni Rufino na gusto ng grupo ni Cojuangco na kumalas si Pangulong Arroyo sa Lakas-NUCD kaya bumabanat ito laban sa administrasyon.
Kasabay nito, hinamon ni Rufino ang asawa ni Peping na si dating Tarlac Gov. Margarita "Tingting" Cojuangco na magbitiw na rin sa puwesto bilang presidential adviser.
Samantala, inakusahan din ni Rufino ang COPA na ginagamit si Vice President Teofisto Guingona matapos na ihayag ni Saycon na dadalo umano sa prayer rally sa Lunes sa Edsa shrine.
Nilinaw ni Rufino na uuwi si Guingona sa Mindanao sa Lunes upang bumoto sa barangay at SK elections. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended