Base sa pinakahuling ulat ng National Disaster and Coordinating Council, kabilang sa mga naitalang nasawi ay ang dalawa katao mula sa Negros Occidental at dalawa sa Pampanga.
Samantala, mahigit sa P144 milyon ang ari-arian, pananim at poultry products ang nasalanta.
May 2,174 pamilya o 10,405 katao na lamang ang nasa mga evacuation centers.
Nanatili pa ring mataas ang tubig-baha sa Malabon, Marikina, Valenzuela at lalawigan ng Pampanga habang isinailalim na sa state of calamity ang pitong bayan sa Pangasinan. (Ulat ni Danilo Garcia)