Arroyo gov't bangkarote kaya gusto si Ople
July 10, 2002 | 12:00am
Maaaring bangkarote na ang pamahalaang Arroyo sa mahuhusay at may kakayahang opisyal kung kayat plano nilang kunin si Senator Blas Ople para mamuno sa Foreign Affairs.
Ito ang naging pahayag ni dating Pangulo Joseph Estrada kasunod ng pag-amin ni Ople na sinundan siya sa US nina Dante Ang, publisista ng Pangulo at Bulacan Congressman Willie Valderama para hikayatin na pamunuan ang nasabing departamento.
Subalit naniniwala si Estrada na hindi kakalas si Ople sa oposisyon para tanggapin ang alok na pamunuan ang departamento na iniwan ni Vice President Teofisto Guingona.
Sinabi ni Estrada na ang motibo lamang ng pagkuha kay Ople ay para lamang umano mapanatili ang mayorya ng mga administration senators. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended