^

Bansa

Pagbuwag sa MMDA tuloy

-
Tuloy pa rin ang gagawing pagbuwag ng Kongreso sa Metro Manila Development Authority (MMDA) kahit si dating Marikina Mayor Bayani Fernando na ang humahawak nito.

Ito ang sinigurado kahapon ni Valenzuela City Rep. Magtanggol Gunigundo kaugnay sa panukalang batas na naglalayong buwagin na ang MMDA.

Sinabi ni Gunigundo na sigurado siyang papasa ang nasabing panukala dahil sa sinusuportahan ito ng lahat ng mga mambabatas mula sa National Capital Region na naniniwalang kaya ng mga local government ang problema sa baha at basura.

Nakatakda na aniyang ipalabas ng House committee on government reorganization at revision of laws ang ulat hinggil sa abolisyon ng nasabing ahensiya.

Hindi umano niya kinukuwestiyon ang pagiging magaling na mayor ni Fernando, subalit dapat aniyang ibigay sa local government ang paglutas ng sarili nitong problema. Binatikos din ni Gunigundo ang napabalitang paglilipat ng flood control sa MMDA. Sinabi nito na may sariling pondo ang MMDA kaya hindi na dito dapat inilipat ang pondo ng DPWH na kulang sa pondo. (Ulat ni Malou Escudero)

BINATIKOS

FERNANDO

GUNIGUNDO

MAGTANGGOL GUNIGUNDO

MALOU ESCUDERO

MARIKINA MAYOR BAYANI FERNANDO

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NATIONAL CAPITAL REGION

SINABI

VALENZUELA CITY REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with