Rapist bibitayin sa Oktubre 16
July 9, 2002 | 12:00am
Nakatakdang isalang sa lethal injection ang unang death convict sa ilalim ng pamahalaang Arroyo sa Oktubre 16 taong ito, itoy kung hindi magpapalabas si Pangulong Arroyo ng commutation o pardon. Ayon sa source, ang rapist na si Nardo Pagdayawan, isang dating sundalo, ang unang bilanggo sa death row na bibitayin, matapos na itakda ng Legaspi City court ang schedule ng kanyang execution.
Itoy matapos na katigan ng Supreme Court (SC) en banc ang parusang kamatayan kay Pagdayawan noong Marso 1, 2001, subalit naghain ng motion for reconsideration ang naturang akusado pero ibinasura ng hukuman noong Abril 17, 2001.
Sa record ng Bureau of Corrections, 17 death convicts, kabilang si Pagdayawan, ang nakatakdang bitayin sa taong ito. Ang mga hatol sa mga akusadong ito ay isinapinal na ng SC.
Sa kabuuang bilang, 14 ang rapists, dalawa ang convicted kidnappers na sina Roderick Licayan at Roberto Lara, habang isa ang nahatulan ng robbery with homicide.
Nilinaw naman ni Bucor director Ricardo Macala na hindi sa darating na Agosto bibitayin sina Licayan at Lara at nagkamali lamang ang tauhan ng New Bilibid Prisons sa kuwenta kung kailan bibilangin ang isang taon mula sa pinal na hatol ng SC.
Nabatid na itinakda ang pagbitay sa dalawa sa Nobyembre 2002.
Ang iba pang rapists ay sina Reynaldo Rebato, Alejandro Guntang, Juan Manalo, Ramshad Thamsey, Ramil Velez-Rayos, Nonelito Abenion, Roberto Palero, Castro Geraban, Alejo Miasco, Sandy Hinto, Ireneo Padilla at Pablo Santos, habang ang robbery-homicide convict ay si Reynaldo Morial. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am