^

Bansa

Paggamit sa may kapansanan sa pagpapatawa ng artista sa movies at TV parurusahan

-
Ikukulong at pagmumultahin ang sinumang artista, film outfit o telebisyon na gagamitin sa pagpapatawa ang kapansanan ng isang tao sa sandaling maaprubahan ang panukalang batas na magbabawal sa anumang negatibong paglalarawan sa mga may kapansanan sa mass media.

Sa paghahain ng "The Media Protection for the Disabled Act," sinabi ni Senator Manny Villar na layon ng panukalang batas na bigyan ng patas na dignidad ang mga taong may kapansanan tulad ng normal na tao kaya mahigpit na ipagbabawal na gamitin ito sa media bilang pagpapatawa.

"Masamang tingnan na pinapasaya natin ang ibang tao sa pamamagitan ng mga may kapansanan. Nagbibigay ito ng hindi magandang aral sa publiko lalo na sa mga bata," sabi ni Villar.

Idinagdag pa ng mambabatas na hindi dapat maging behikulo ng mga pagpapatawa o komedya sa telebisyon, pelikula o anumang porma ng media ang pagiging bulag, pipi, bingi, pilay, putol ang paa o may bingot (harelip).

Nakasaad din sa panukala na bigyan ng karagdagang benepisyo ang mga ito tulad ng discounts sa iba’t ibang establisimiyento at pagbibigay ng libreng medical at dental services ng mga government hospitals at health institutions.

Papatawan ng parusang pagkakulong na anim na buwan at multang P5,000 ang sinumang lalabag sa nasabing panukala. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

DISABLED ACT

IDINAGDAG

IKUKULONG

MASAMANG

MEDIA PROTECTION

NAGBIBIGAY

NAKASAAD

RUDY ANDAL

SENATOR MANNY VILLAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with