^

Bansa

Navarette gagawing trainor ng mga boksingero

-
Kahit kaunti ay nagkaroon ng pag-asa ang dating sikat na world junior lightweight champion Rolando Navarette na may tutulong sa kanya. Matapos mabasa sa Pilipino Star Ngayon ang balita na ipinapahanap siya ng isang kongresista upang tulungan at bibigyan ng trabaho ay agad na tumawag kahapon si Navarette sa PSN.

Bakas sa boses ni Navarette na nanghihina ito dala marahil ng masamang pakiramdam kung saan nadagdagan pa ang problema ng bahain ang tinutuluyan niyang lugar sa Sampaloc.

Kinumpirma naman ni Negros Occidental Rep. Apolinario Lozada na tumawag na sa kanya ang dating boksingero at mismong siya ang nakausap nito.

Sinabi ni Lozada na parang may sakit ang boses ni Navarette na pumayag umanong makipagkita sa kanya bago ito bumalik sa General Santos City.

Nabatid kay Navarette na lumapit na ito sa mga organisasyon na may kaugnayan sa boksing upang humingi ng tulong subalit wala rin umanong pera ang mga ito.

Idinagdag ni Lozada na personal niyang aaluking maging trainor ng mga kabataang boksingero sa Negros Occidental si Navarette kung makakaya pa niya ang nasabing trabaho.

Umaasa umano si Navarette na mabibigyan ng pensiyon ng pamahalaan ang mga retiradong atletang katulad niya.

Hindi naman siniguro ni Lozada kung tatanggapin ni Navarette ang trabahong iaalok niya subalit susubukan umano niyang tulungan ang dating boksingero sa abot ng kanyang makakaya. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

APOLINARIO LOZADA

GENERAL SANTOS CITY

IDINAGDAG

LOZADA

MALOU RONGALERIOS-ESCUDERO

NAVARETTE

NEGROS OCCIDENTAL

NEGROS OCCIDENTAL REP

PILIPINO STAR NGAYON

ROLANDO NAVARETTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with