^

Bansa

Jinggoy balik-Veterans na

-
Overstaying na daw si dating San Juan Mayor Jinggoy Estrada sa Makati Medical Center kaya dapat nang ibalik sa Veterans Memorial Medical Center.

Sa resolusyon ng Sandiganbayan Special Division, ipinag-utos nito na bago mag-alas-5 ngayong hapon ay kailangang maibalik si Jinggoy sa Veterans. Tinukoy ng korte na nalampasan na ni Jinggoy ang pinakagrabeng kalagayan ng kanyang sakit at nananatili na lamang sa Makati Med para sa obserbasyon.

Naniniwala ang korte na maaari nang isagawa sa VMMC ang pag-oobserba sa kalagayan ng nakababatang Estrada. Hindi na rin umano gumagamit ng life support system si Jinggoy.

Halos 50 araw o dalawang buwan nang nananatili sa nasabing ospital si Jinggoy.

Bukod pa sa libre na itong maglakad mag-isa katulad ng nangyari nang bumaba siya mula sa kanyang kuwarto sa ika-siyam na palapag papunta sa ikatlong palapag kung saan naroon ang Floating Island restaurant upang makipagsaya sa mga kaibigan ng mahigit sa dalawang oras.

Inatasan din ng korte ang Sandiganbayan Sheriff’s Office at miyembro ng PNP na magsumite ng report matapos isagawa ang order.

Magugunitang isinugod noong Mayo 17 sa MMC ang dating alkalde makaraang makaramdam ng paninikip ng dibdib at pagtaas ng blood pressure. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

BUKOD

FLOATING ISLAND

JINGGOY

MAKATI MED

MAKATI MEDICAL CENTER

MALOU RONGALERIOS-ESCUDERO

SAN JUAN MAYOR JINGGOY ESTRADA

SANDIGANBAYAN SHERIFF

SANDIGANBAYAN SPECIAL DIVISION

VETERANS MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with