^

Bansa

Pinay na nag-suicide sa Singapore wala sa talaan ng OWWA at POEA

-
Wala sa listahan ng mga overseas Filipino workers ang Pinay maid na naiulat na umano’y nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ika-25 palapag ng Rajah Tower sa Singapore.

Ito ang nabatid sa eksklusibong panayam kay Poe Gratela, pangulo at tagapagsalita ng grupong Migrante.

Ayon kay Gratela, pinaalis ang OFW na si Maricon Felix Gatapia, 21, dalaga, ng Bagumbayan, Teresa, Rizal patungong Singapore ng AIMS World Management Corp., ang pinag-aplayan niyang agency, nang hindi dumaan sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Bukod sa OWWA hindi rin nirehistro ng nasabing agency si Gatapia sa POEA sanhi upang ideklara siyang undocumented. Kinumpirma naman ito ng OWWA.

Ayon naman sa Department of Foreign Affairs-Consular Assistance Division, posibleng ngayong linggo isusumite ng Singapore police ang kanilang isinagawang imbestigasyon sa pagkamatay ni Gatapia na nakatakdang ilibing ngayon.

Sinabi ni Gratela na hihingi sila ng assistance kay OWWA Administrator Wilhelm Soriano para sa pagpapalibing kay Gatapia dahil kapos sa pera ang pamilya nito. (Ulat ni Ellen Fernando)

ADMINISTRATOR WILHELM SORIANO

AYON

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS-CONSULAR ASSISTANCE DIVISION

ELLEN FERNANDO

GATAPIA

GRATELA

MARICON FELIX GATAPIA

OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION

POE GRATELA

RAJAH TOWER

WORLD MANAGEMENT CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with