Pinay na nag-suicide sa Singapore wala sa talaan ng OWWA at POEA
July 3, 2002 | 12:00am
Wala sa listahan ng mga overseas Filipino workers ang Pinay maid na naiulat na umanoy nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ika-25 palapag ng Rajah Tower sa Singapore.
Ito ang nabatid sa eksklusibong panayam kay Poe Gratela, pangulo at tagapagsalita ng grupong Migrante.
Ayon kay Gratela, pinaalis ang OFW na si Maricon Felix Gatapia, 21, dalaga, ng Bagumbayan, Teresa, Rizal patungong Singapore ng AIMS World Management Corp., ang pinag-aplayan niyang agency, nang hindi dumaan sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Bukod sa OWWA hindi rin nirehistro ng nasabing agency si Gatapia sa POEA sanhi upang ideklara siyang undocumented. Kinumpirma naman ito ng OWWA.
Ayon naman sa Department of Foreign Affairs-Consular Assistance Division, posibleng ngayong linggo isusumite ng Singapore police ang kanilang isinagawang imbestigasyon sa pagkamatay ni Gatapia na nakatakdang ilibing ngayon.
Sinabi ni Gratela na hihingi sila ng assistance kay OWWA Administrator Wilhelm Soriano para sa pagpapalibing kay Gatapia dahil kapos sa pera ang pamilya nito. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended