Judge na may hawak ng kaso ng ASG nag-suicide!
June 30, 2002 | 12:00am
Isang huwes na humahawak sa mga kasong kriminal nang 60 hinihinalang mga miyembro ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili sa kanyang sariling tahanan sa Zamboanga City.
Kinilala ang biktima na si Melchor Lim, 45, ng Carmen Valley subdivision sa Pasonanca, Zamboanga City.
Si Lim ay nakatalaga sa Regional State Prosecutors Office na matatagpuan sa Justice building sa Pasonanca. Ang nasabing fiscal ang humahawak sa mga kasong kriminal na isinampa laban sa 60 bandidong Sayyaf na naaresto ng militar at pulisya.
Base sa inisyal na pagsisiyasat, natagpuan ang biktima sa loob ng kuwarto nito at duguan kaya agad na inireport ng mga kaanak sa pulisya ang pangyayari.
Isang cal. 45 pistol ang narekober sa tabi ng bangkay. Hindi pa mabatid ang motibo sa pagpapakamatay at wala ring suicide note na nakuha.
Samantala sa kagustuhan na rin ng pamilya at kaanak ng biktima ay isang malalimang imbestigasyon ang isinasagawa ng mga awtoridad upang malaman kung may foul play sa pagkamatay ng judge.
Hindi umano posibleng sadyang pinatay o may pumatay sa biktima dahil na rin sa mga kasong hinahawakan nito.
Dinala na sa Crime Laboratory ng PNP-Zamboanga City ang bangkay ni Lim at doon isinagawa ang awtopsiya.
Nagsagawa rin ng paraffin test sa mga kamay ng biktima ngunit sa kasalukuyan ay wala pang inilalabas na resulta ang mga ito. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest