Imbitasyon sa kasal ni Mikey inisnab ng 4 opposition senators
June 26, 2002 | 12:00am
Hindi kinagat ng apat na senador mula sa oposisyon ang imbitasyon ng Malacañang upang dumalo sa wedding reception sa Palasyo kaugnay ng kasal nina Presidential Son Mikey Arroyo at Angela Montenegro.
Batay sa wedding guest list ng Malacañang, imbitado ang 12 administration senators kasama ang kanilang asawa, samantalang sa oposisyon ay apat lamang at ito ay sina Senators Aquilino Pimentel Jr., John Osmeña, Rodolfo Biazon at Robert Jaworski.
Ayon sa ilang impormante sa Malacañang, ang apat na inimbitahan ang target ng administrasyon na makuha upang maresolba na ang krisis sa liderato ng Senado.
Gayunman, inisnab ng mga ito ang nasabing imbitasyon dahil sa ibat ibang dahilan.
Ayon kay Biazon, hindi siya nakadalo dahil sumailalim siya sa executive check-up, si Osmeña ay nasa Cebu at hindi umano dumadalo sa kasal kung hindi siya ninong, si Pimentel ay nasa Estados Unidos habang si Jaworski ay asiwa na dumalo sa nasabing pagtitipon. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest