Napatay na miyembro ng kulto ni Ecleo isasailalim sa hair drug test - PNP

Sasailalim sa makabagong teknolohiyang hair drug test ang mga miyembro ng kultong Philippine Benevolent Missionaries Association (PBMA) na pinamumunuan ng lider nitong si Ruben Ecleo.

Ito ang napag-alaman sa PNP-Criminal Investigation and Detection Group matapos na magdesisyon na isailalim sa drug test ang mga miyembro ng PBMA na namatay sa naganap na engkuwentro kamakailan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan bunsod na rin ng pagiging positibo sa droga ng kanilang lider.

Bunsod nito, hinimok ng PNP ang Drug Check Phils., ang no.1 at largest drug testing company sa bansa, na magsagawa ng hair drug test sa napaslang na PBMA members dahil ito ay may kakayahang malaman kung positibo sa droga ang isang taong namatay sa pamamagitan ng pagkuha lamang ng ilang hibla ng buhok mula sa isang tao kahit ito ay patay na o kahit hindi na gumamit ng droga ng 9 na buwan.

"Drug Check Phils. has the technology to determine a person drugs dependency even if subject has not taken in drugs for the last 9 months. The fact that subjects are deceased will not pose a problem as Drug Check technology do not rely on transitional body fluids like blood and urine. A few hair strands will be sufficient in determining of subject drug intake," pahayag ni Mylon Villasante, spokesman ng Drug Check .

Kaugnay nito, napag-alaman na hinihintay na lamang ng naturang kumpanya mula sa PNP ang kaukulang catalogue samples mula sa naturang mga indibidwal bago sila magpatupad ng kaukulang laboratory procedures.

Show comments