Bong Revilla bagong VRB chairman
June 18, 2002 | 12:00am
Pormal na itinalaga ni Pangulong Arroyo si dating Cavite governor Ramon "Bong" Revilla Jr. (Jose Marie Bautista sa tunay na buhay), bilang bagong pinuno ng Videogram Regulatory Board (VRB) alinsunod sa pagpapatuloy ng ipinatutupad na rigodon sa gobyerno ng Arroyo administration.
Ipinalabas kahapon ng Malacañang ang paghirang kay Revilla kasama ang tatlo pang bagong pinuno ng ahensiya ng gobyerno na kinabibilangan nina Marilen Dinglasan, bilang bagong MTRCB chairperson, ex-QC congressman Dante Liban bilang director general ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at ang nauna nang na-appoint na MMDA Chairman Bayani Fernando.
Pinalitan ni Revilla bilang VRB chairman si Lualhati Buenafe na bumaba sa puwestong vice chairperson at executive director, habang si Dinglasan ang ipinalit kay dating MTRCB chairman Alejandro Roces na in-appoint naman bilang director ng Phil. Postal Savings Bank, samantala ang pinalitan ni Liban ay si Lucita Lazo.
Si Fernando na dating Marikina City mayor ay itinalaga bilang MMDA head kapalit ni Benjamin Abalos na naitalaga naman bilang Comelec chairman kapalit ni Alfredo Benipayo.
Sinabi ni acting Press Secretary Silvestre Afable na may posibilidad na mayroon pang mga susunod na papalitan sa puwesto habang patuloy na nirerepaso ng Pangulo ang naisakatuparang gawain ng mga itinalaga niyang opisyal ng pamahalaan. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest