Balasahan sa Senado legal
June 14, 2002 | 12:00am
Legal umano ang pagbalasa ng bagong mayorya sa chairmanship ng 37 standing committees ng Senado matapos itong ideklarang bakante noong Hunyo 6.
Sinabi ni Senador Juan Flavier na pinagbasehan niya sa kanyang desisyon ang Senate Rules na nagsasaad na kung may bilang ang nagdeklara na bakante ang lahat ng chairmanship ng komite, maaaring magtalaga ng panibago kapalit ng kasalukuyang humahawak dito.
"I recognize the reorganization made by the new majority on the appointment of the new chairmen of the standing committees in the Senate after the declaration of all seats vacant because even if we join them in the session, we will lose because we do not have the numbers," paliwanag ni Flavier.
Ngunit nilinaw ni Flavier na hindi niya maaaring kilalanin ang eleksiyon ng Senate President, Senate Secretary, Senate President Pro-Tempore at Sergeant-at-Arms dahil ikinokonsidera silang opisyal at ang naturang posisyon ay inihahalal ng lahat ng elected senators.
Samantala, inamin kahapon ni Senator Robert Jaworski na may mga emisaryo ang Palasyo na "nanliligaw" sa kanya para magkasama na sila ng kanyang biyenang si Sen. Ramon Revilla Sr. sa administration bloc sa Senado.
Pero tahasan nitong sinabi na wala pa siyang balak na lumipat sa kampo ng administrasyon dahil wala naman siyang nakikitang dahilan para gawin niya ito.
Ayon kay Sen. Jaworski, chairman ng Senate committee on environment and natural resources, ang mahalaga ngayon ay mahanapan ng lunas ang nangyayaring krisis sa Senado. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest