Abu may hostage na naman!
June 13, 2002 | 12:00am
Muli na naman umanong naghasik ng terorismo ang mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) matapos na magsagawa ng panibagong pagdukot upang gawing kalasag sa tumutugis na puwersa ng militar sa Zamboanga Peninsula.
Batay sa sketchy report na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, tinangka umanong pasukin ng grupo ni Abu Sabaya ang safehouse ng mga renegades ni Nur Misuari kasama ang panibagong mga hostages nito kung saan nagkaroon ng maikling engkuwentro.
Nabatid na naganap ang bakbakan sa pagitan ng Misuari renegades na pinamumunuan ni Julhambri Misuari at grupo ni Sabaya dakong 9:30 ng umaga ng maispatan nina Julhambri ang mga armadong ASG lulan ng speedboat sa bahagi ng Panubigan, Zamboanga del Norte.
Tumagal ang habulan at sagupaan ng mahigit 2 oras kung saan tumakas sina Sabaya sa direksiyon ng Salangan island.
Kinumpirma ni Julhambri na may dalawa umanong hawak na bihag ang grupo ni Sabaya. Namataan niyang tumatakbo ang armadong mga bandido tangay ang dalawang bihag sa bahagi ng Panubigan.
Gayunman, hindi malinaw kung mga banyaga o Filipino ang panibagong hostage ng grupo, gayundin kung ano ang mga pangalan, kung lalaki o babae ang mga ito.
Kaugnay nito, ipinag-utos na ni AFP Southcom chief, Major Gen. Ernesto Carolina ang pagsasagawa ng masusing beripikasyon sa nasabing report habang patuloy pa rin ang pagtugis sa tumatakas na grupo ni Sabaya.
Ipinabeberipika rin ni Defense Secretary Angelo Reyes ang ipinalabas na ulat ng Office of the Muslim Affairs na nakalusot na ang mga bandido sa military blockade at nagtatago na umano ngayon sa Ipil, Zamboanga del Sur.
Sakali umanong may katotohanan ang ulat, sinabi ni Reyes na may sapat na puwersa ang militar para habulin ang mga bandido. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest