Sinabi ni Gerry Albert Corpuz, information officer ng Pamalakaya, ipinagkanulo ni Arroyo ang national sovereignty at territorial integrity ng Pilipinas ng payagan nito ang patuloy na pananatili ng mga sundalong Amerikano sa bansa at ang umanoy pagsali ng mga ito sa pagtugis sa Abu Sayyaf.
"We call on the House of Representatives to send the president to the impeachment line for this millennium betrayal," ani Corpuz.
Dapat umanong kalimutan muna ng mga mambabatas ang kanilang party affiliation at isulong ang pagpapatalsik kay Arroyo.
Sinabi pa ng Pamalakaya na hindi dapat pang ipagdiwang ang Independence Day dahil patuloy namang inilalagay ng mga pinuno ng bansa ang Pilipinas sa ilalim ng anino ng Amerika. (Ulat ni Malou Escudero)