^

Bansa

'Impeach GMA' hirit sa House

-
Nanawagan kahapon ang grupong Pamalakaya sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na patalsikin sa puwesto si Pangulong Arroyo dahil sa paglabag umano nito sa Konstitusyon.

Sinabi ni Gerry Albert Corpuz, information officer ng Pamalakaya, ipinagkanulo ni Arroyo ang national sovereignty at territorial integrity ng Pilipinas ng payagan nito ang patuloy na pananatili ng mga sundalong Amerikano sa bansa at ang umano’y pagsali ng mga ito sa pagtugis sa Abu Sayyaf.

"We call on the House of Representatives to send the president to the impeachment line for this millennium betrayal," ani Corpuz.

Dapat umanong kalimutan muna ng mga mambabatas ang kanilang party affiliation at isulong ang pagpapatalsik kay Arroyo.

Sinabi pa ng Pamalakaya na hindi dapat pang ipagdiwang ang Independence Day dahil patuloy namang inilalagay ng mga pinuno ng bansa ang Pilipinas sa ilalim ng anino ng Amerika. (Ulat ni Malou Escudero)

ABU SAYYAF

GERRY ALBERT CORPUZ

HOUSE OF REPRESENTATIVES

INDEPENDENCE DAY

MABABANG KAPULUNGAN

MALOU ESCUDERO

PAMALAKAYA

PANGULONG ARROYO

PILIPINAS

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with