Ayon kay Surigao Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House committee on accounts, babaguhin ang buong gallery ng session hall sa pamamagitan ng pagpapalit sa mga lumang ilaw para lumiwanag at hindi nakakaantok sa loob ng session hall.
Papalitan din ang lumang carpet at kukuha pa umano ng magagaling na interior designer para mangasiwa sa "major facelift" ng session hall.
Sasailalim din sa modernisasyon ang communication system at maglalagay ng mga mini-computers sa bawat lamesa ng mga kongresista. Sa mini-computer na ito magpapa-check ng attendance ang bawat kongresista at ito rin ang gagamitin kapag nagbobotohan sa session hall.
Napag-alaman pa na tanging ang dambuhalang bandila ng Pilipinas ang hindi papalitan. (Ulat ni Malou Escudero)