^

Bansa

Naggigiriang mga senador 'magtutuos ngayon sa Malacañang

-
Posibleng magharap-harap ngayon sa Malacanang ang mga senador mula sa administrasyon at oposisyon kaugnay ng paglalagda ng apat na bagong mga batas.

Sa gagawing seremonya ay posibleng magsilbing referee si Pangulong Arroyo sa mga dadalong senador na naggigirian sa liderato ng Senado.

Ayon kay Presidential Legislative Adviser Gabriel Claudio, ang bagong mga batas na lalagdaan ng Pangulo ay ang pag-amyenda sa dangerous drugs act, plant variety registration and protection act, AFP salary increase at ang pagtatatag ng Film Academy Councilor of the Philippines.

Magaganap ang paghaharap ng mga senador kung hindi iboboykot ng mga nasa oposisyon ang nasabing seremonya ng pirmahan.

Ang mga pangunahing may-akda ng nasabing mga batas ay sina Senators Ramon Magsaysay, Renato Cayetano, Robert Barbers, Noli de Castro mula sa administrasyon, samantala ang nasa oposisyon ay sina Senators John Osmeña, Rodolfo Biazon, Gringo Honasan at Dr. Loi Ejercito. (Ulat ni Ely Saludar)

DR. LOI EJERCITO

ELY SALUDAR

FILM ACADEMY COUNCILOR OF THE PHILIPPINES

GRINGO HONASAN

PANGULONG ARROYO

PRESIDENTIAL LEGISLATIVE ADVISER GABRIEL CLAUDIO

RENATO CAYETANO

ROBERT BARBERS

RODOLFO BIAZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with