^

Bansa

Batang yagit na hindi bibigyan ng atensiyon ng mga ospital; ikukulong, pagmumultahin

-
Ikukulong at pagmumultahin kung mapapatunayan na nagkasala ang sinumang tagapamahala o kawani ng isang pagamutan na magtataboy sa batang maralita na nangangailangan ng atensiyong medikal.

Ito ang nakapaloob sa panukalang batas ni Senate President Pro-Tempore Manny Villar kung saan ay oobligahin ang mga pagamutang pribado o pampubliko na bigyan ng libreng medical o dental treatment ang mga maralitang kabataan.

"Hindi dapat pagkaitan ng maayos na atensyon ang isang batang pasyente dahil sa siya’y mahirap lang" wika ni Villar.

Idinagdag pa nito na kabilang sa mga institusyong sakop ng panukala ay ang mga ospital,klinika,health centers at iba pang katulad na establisimiyento.

Ang makikinabang sa nasabing panukalang batas ay ang mga batang nasa edad 18 pababa na napabayaan ng kanilang mga magulang.

Nakapaloob pa sa panukala, na ang mga pagamutan na magbibigay ng libreng medikal o dental na serbisyo sa nasabing mahirap na kabataan ay bibigyan naman ng tax deduction sa loob ng 5 taon kaugnay sa kanilang nagastos sa pasyente. (Ulat ni Rudy Andal)

BATANG

BATAS

IDINAGDAG

IKUKULONG

NAKAPALOOB

RUDY ANDAL

SENATE PRESIDENT PRO-TEMPORE MANNY VILLAR

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with