Ayon kay Senate President Pro-Tempore Manny Villar, chairman ng congressional oversight committee on food and agriculture modernization, mula sa 13.16 milyon na malnourished at underweight na Pinoy noong 1996 ay umakyat ang bilang nito sa 15.64 milyon.
Ani Villar, lubhang kinakailangan na ang paggamit ng modernong teknolohiya para mapataas ang food production ng bansa. Sa pamamagitan umano ng pagpapatupad ng tamang batas at programa ay masisiguro na mabibigyan ng proteksiyon ang food security. (Rudy Andal)