^

Bansa

P12.34-B kinolekta ng Meralco ibalik!

-
Pinababalik ng militanteng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU) sa Meralco ang P12.34 bilyong purchased power adjustment (PPA) na kinolekta nito sa mamamayan simula noong Setyembre hanggang Disyembre 2001.

Ayon kay Elmer Labog, secretary general ng KMU, ngayon ang tamang panahon para i-refund ng Meralco sa kanilang customers ang P12.3 bilyon na kinolekta sa pamamagitan ng PPA.

Tuluyan na umanong nawala ang tiwala ng taumbayan sa Meralco matapos mabisto ang diumano’y panloloko nito sa pamamagitan ng overcharging sa singil ng electric bill.

Sa kabila anya nang nabunyag na PPA ay nais pa ng Meralco na magtaas sa singil ng kuryente.

Kaugnay nito, sinabi ni Labog na hanggat hindi tuluyang inaalis ang PPA ay patuloy na magsasagawa ng kilos-protesta ang mga mamamayan upang ipakita ang pagtutol dito.

Sa Hunyo 5, magsasama-sama aniya ang lahat ng manggagawa at mahihirap sa isang "nationwide people’s protest" laban sa PPA at sa mataas na electric rates. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

AYON

DISYEMBRE

ELMER LABOG

KAUGNAY

KILUSANG MAYO UNO

LABOG

MALOU RONGALERIOS-ESCUDERO

MERALCO

PINABABALIK

SA HUNYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with