Pamantasan gigisahin ng Senado sa tuition fee hike
May 22, 2002 | 12:00am
Paiimbestigahan ni Senate President Pro-Tempore Manny Villar sa Senado ang hindi maawat na pagtaas ng matrikula sa mga private schools gayundin ang pagpataw ng mga ito ng kung anu-anong bayarin o "miscellaneous fees."
Sa isang resolusyon, hiniling ni Villar sa Senate committee on education, arts and culture na magsagawa ng "investigation in aid of legislation" kaugnay sa nasabing isyu.
Sinabi ng senador na aalamin sa imbestigasyon kung talagang kinakailangan ang taunang pagtataas ng matrikula, at kung nakikinabang dito ang mga estudyante at mga guro, at ang sistemang pang-edukasyon sa kabuuan. Aalamin din sa imbestigasyon kung nararapat ang pagpapataw ng "miscellaneous fees" na minsan ay halos kapantay na o di kayay mas mataas pa sa tunay na matrikula.
Tinukoy nito na hindi man lamang inaatasan ng Committee on Higher Education (CHED) na hingin ng mga eskuwelahan ang kanilang approval para sa pagpapataw ng miscellaneous fees, dahilan para hindi lumitaw ang tunay na halaga ng edukasyon sa bansa.
Pinuna ni Villar na taun-taon na lamang ay nagtataas ng singil sa matrikula at miscellaneous fees ang mga colleges at universities na nagsisilbing pahirap sa sambayanan.
Aniya, 75 porsiyento ng mga unibersidad at kolehiyo sa bansa ay pawang mga pribado kaya dahil sa sobrang taas ng matrikula ay napipilitang huminto sa pag-aaral ang mga estudyante dahil hindi makayanan ng kanilang mga magulang ang mataas na bayarin. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest