^

Bansa

Black-ouch sa Luzon umatake

-
Black-ouch ang dapat na itawag sa mahabang oras na pagkawala ng kuryente sa malaking bahagi ng Luzon kahapon.

Ito ang pahayag ng maraming residente sa mga apektadong lugar na nagdusa sa halos nakapapasong init ng panahon na sinabayan ng sunud-sunod na pagbagsak ng mga power grids ng National Power Corporation (Napocor).

Naganap ang blackout sa kainitan na rin ng debate sa kontrobersiyal sa Power Purchased Adjustment (PPA).

Naghinala tuloy ang mga taga Luzon na sinimulan na ng Napocor ang sinasabi ng mga itong magkakaroon ng malawakang blackout kapag inalis ang pagbabayad ng PPA.

Agad namang nagpalabas ng pahayag ang tanggapan ni Office of Civil Defense administrator ret. Major Gen. Melchor Rosales na ang sanhi ng blackout ay ang ‘power tripping’ o ang nangyaring pagbagsak ng Biñan-Sta. Rosa sub-station ng Napocor sa lalawigan ng Laguna kahapon.

Bunsod nito, maging ang mga planta ng Napocor sa Calaca-Batangas gayundin sa Bulacan area ay hindi na rin gumana na nagpalala pa sa sitwasyon.

Nabatid na bandang 10:45 ng umaga kahapon ng sunud-sunod na mawalan ng kuryente sa buong Luzon.

Dakong 12:15 ng tanghali kahapon ay unti-unting naibalik ang kuryente sa Region I, Quezon Province, Laguna, Cavite, Bulacan at ilang bahagi ng Metro Manila partikular sa Novaliches, Caloocan City, Quezon City at Manila.

Nagpadala na ng "line gang" upang kumpunihin ang mga nasirang linya ng kuryente ng Napocor gayundin ang mga apektadong planta.
Walang kudeta
Pinawi ni PNP Chief Director Gen. Leandro Mendoza ang pangamba na posible umanong may namumuong kudeta laban sa administrasyon kaya nag-blackout sa Luzon.

Ayon kay Mendoza, problemang teknikal ang sanhi ng blackout at wala itong kinalaman sa coup plot.

"The situation is under control, huwag na sana tayong mag-speculate ng coup de etat," wika ng PNP chief.

Binigyang diin pa ni Mendoza na walang dapat ipag-panic ang publiko.
Napocor isapribado na lang
Naniniwala si Pangulong Arroyo na ang pagsasapribado sa Napocor ang sagot para maiwasan ang mga malawakang blackout sa bansa.

Ayon kay acting Press Secretary Silvestre Afable, nais ng Pangulo na agad maisulong ang privatization lalo na sa transmission facilities ng Napocor dahil ito aniya ang tanging tugon sa nasabing problema.
Napocor,Meralco officials ipatatawag
Ipatatawag ng mga mambabatas sa Kongreso ang mga pinuno ng Napocor at Meralco upang pagpaliwanagin sa naganap na blackout kahapon.

Sa House Resolution 583 na inihain nina Deputy Speaker Raul Gonzales at Ilocos Sur Rep. Salacnib Baterina, sinabi ng mga ito na simula ng lumutang ang isyu kaugnay sa pag-aalis ng PPA ay nagbabala kaagad ang Napocor na magreresulta ito sa malawakang blackout sa bansa.

Kung hindi umano maipapaliwanag ang nangyaring pagkawala ng kuryente ay hindi maaalis ang hinala ng mga mamamayan na kontrolado ng mga ito ang kuryente. (May ulat nina Malou Escudero at Ely Saludar)

AYON

BLACKOUT

BULACAN

CALOOCAN CITY

CHIEF DIRECTOR GEN

DEPUTY SPEAKER RAUL GONZALES

LUZON

NAPOCOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with