Kampanya ni Sen. Barbers vs droga suportado ng Drug Check
May 18, 2002 | 12:00am
Nakakuha ng suporta ang panukala ni Sen. Robert Barbers na patawan ng matinding parusa ang mga taong napapatunayang gumagamit at nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot kahit kakitaan lamang ito ng may 10 gramo sa dating 100 grams ng bawal na gamot.
Binigyang diin ni John Catinding, general manager ng Drug Check Philippines, nangunguna at pinakamalaking drug testing company, mas mabilis na maiibsan ang problema sa droga sa bansa kung ipatutupad ang hakbang na ito ni Barbers dahil ang paggamit ng bawal na gamot ang palagiang sanhi ng nagaganap na krimen sa bansa na ang pinakakontrobersiyal ay ang gamot na ecstasy.
Bunsod ng paglaganap ng ecstasy, nangangamba ang ilang grupo na wala pang kapasidad na suriin ang isang taong gumagamit ng naturang droga sa bansa.
Dahil dito, sinabi ni Catinding na sapat ang teknolohiya ng mga drug testing center sa bansa lalu na ng Drug Check Philippines para masuri kung gumagamit ng ecstasy ang bawat indibidwal.
Una ang gagamitin sa screening ay yung pang-test sa shabu dahil ang ecstasy at shabu ay parehong nagtataglay ng methyl. Kaya kung isang tao ay positibo sa ecstasy, sapat na ang screening test ng shabu para madetect ang ecstasy, pahayag ni Catinding.
Upang matukoy kung ecstasy at hindi shabu ang taglay ng isang user ay isasailalim ang isang specimen sa tinatawag na modified tin layer chromotography kung saan napapaghiwalay ang dalawang bawal na gamot, at ang ikatlong hakbang ay ang pagsasailalim sa specimen sa tinatawag na gas chromotography mass spectrometry upang makita ang unique fragmentation pattern ng ecstasy o methylenedioxy methaphetamine. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest