Para maibsan ang pagbabanggaan, nakatakdang pulungin ni Mendoza ang mga matataas na opisyal ng pulisya partikular na ang may potensiyal na maging hepe ng PNP.
Nauna nang lumabas ang isang pahinang advertisement na kumukuwestiyon sa desisyon ni Pangulong Arroyo sa maaaring ibunga kung sakaling ituloy nito ang paghirang kay Ebdane.
Sa pagkakagulo ng mga ilang opisyal ay nawawalan umano ang pagka-propesyonal ng mga ito na hindi magandang halimbawa sa organisasyon. (Joy Cantos, Doris Franche)