Credit sa PPA dapat ibigay kay Enrile
May 10, 2002 | 12:00am
Kung mayroon man umanong dapat bigyan ng kredito sa isyu ng PPA ay walang iba kundi si dating Senator Juan Ponce Enrile.
Ito ang reaksiyon ng grupong sumusuporta sa dating senador sa bangayan kaugnay nang kung sino ang dapat mag-angkin ng credit sa suspensiyon ng Power Purchase Adjustment.
Sinabi ni Atty. Jose Igmidio na dapat ay kay Enrile ibigay ang credit sa suspensiyon ng PPA dahil kung maliwanag pa sa isipan ng lahat ay ang PPA mismo ang ginamit ni Enrile bilang kanyang campaign material noong nakaraang election.
Maging ang mga paid campaign ad ni Enrile ay makakapagpatunay na siya ang nag-expose na ang PPA ay isang illegal na paniningil sa taumbayan ng Napocor at Meralco.
"Nakakahiya kay Sen. Enrile na tahimik at hindi kumikibo, habang mayroong nag-aagawan," pahayag nito. (Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest