^

Bansa

5M kabahayan di pagbabayarin ng PPA

-
Mahigit sa limang milyong kabahayan sa bansa ang malapit nang hindi magbayad ng Power Purchase Adjustment o PPA ng National Power Corporation ng habambuhay sakaling maipasa ang panukala ni Senator Renato Cayetano na nagmumungkahi na ipuwera sa pagbabayad ng PPA ang mga kabahayan na kumokonsumo lamang nang hindi hihigit sa 75 kilowatt hour kada buwan.

Sa ginanap na pagdinig kahapon ng joint Senate committees on energy, public services at ways and means, lumalabas sa datos na ipinalabas ng Public Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corp. na 45% o 5,206,000 kabahayan sa buong bansa ang kumokonsumo nang hindi hihigit sa 75 kwh kada buwan kung saan ay mas makikinabang ang nasa lalawigan.

Lumilitaw na maralita pa rin ang pangunahing makikinabang sa naturang probisyon dahil sila lamang ang kumokonsumo ng kuryente na hindi hihigit sa 75 kwh kada buwan.

Hinamon naman ng mga senador ang Department of Energy at Energy Regulatory Commission na pag-isipan ang pinakamagandang solusyon sa reklamo ng taumbayan hinggil sa PPA.

Magugunita na sa ilalim ng Cayetano bill, ilan pa sa probisyon nito ay isuspinde ang paniningil sa PPA ng anim na buwan o mula sa darating na Hulyo hanggang Disyembre hanggang hindi pa naaaprubahan ng ERC ang Universal Charge ng Napocor.

Simula Enero 2003 naman ay magiging 40 sentimos na lamang ang singil sa PPA ng Napocor mula sa dating P1.20.

Ngunit, bukod sa panukala ni Cayetano ay nais naman ni Senate President pro-tempore Manny Villar na ibalik sa taumbayan ang naibayad na nilang PPA sa pamamagitan ng bawas o discount sa monthly electric bill. (Rudy Andal)

CAYETANO

DEPARTMENT OF ENERGY

ENERGY REGULATORY COMMISSION

MANNY VILLAR

NAPOCOR

NATIONAL POWER CORPORATION

POWER PURCHASE ADJUSTMENT

PUBLIC SECTOR ASSETS AND LIABILITIES MANAGEMENT

RUDY ANDAL

SENATE PRESIDENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with