^

Bansa

Pati saranggola gagamitin ng mga terorista

-
Dahilan sa tumitinding banta ng terorismo, lahat ng paraan ay maaring gawin ng mga terorista para maghasik ng lagim kabilang na ang pagpapalipad ng saranggola para magpasabog ng mga sasakyang panghimpapawid.

Bunga nito, nanawagan kahapon sina Air Force Chief Lt. Gen. Benjamin Defensor at Air Transportation Office (ATO) Chief Adelberto Yap sa publiko na huwag magpalipad ng mga saranggola sa bisinidad ng mga base ng Air Force partikular na sa mga istasyon, general aviation areas at take-off landing areas.

Ang hakbang ay kasunod na rin ng pagkakaaresto ng mga hinihinalang terorista na umano’y may koneksiyon sa al-Qaeda sa isinagawang raid sa Tarlac at Pangasinan kamakailan.

Nadiskubreng may planong magtayo ng terrorist cell sa Luzon ang mga teroristang ito at naghahanap ng mga taktika para maglunsad ng terorismo kung saan maaaring pagbalingan ang mga saranggola bilang isa sa mga paraan para lumikha ng malaking pinsala sa mga sasakyang panghimpapawid ng bansa.

Ayon kina Defensor at Yap, layon din ng babala na maiwasang sumabit ang mga saranggola sa isang pababang eroplano na posibleng pagmulan ng pagbagsak ng kanilang mga sasakyang panghimpapawid at iba pang pinsala.

"This is simply to ensure public safety and summertime fun. We don’t want the kids to lose their kites, and our planes to come home with strings attached either," pahayag ni Defensor. (Ulat ni Joy Cantos)

AIR FORCE

AIR FORCE CHIEF LT

AIR TRANSPORTATION OFFICE

AYON

BENJAMIN DEFENSOR

BUNGA

CHIEF ADELBERTO YAP

DAHILAN

JOY CANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with