Wika ni Cayetano, co-chairman ng Joint Congressional Power Commission, masyadong maaga pa para mag-react ang Napocor dahil wala pang desisyon sa Kongreso tungkol sa reklamo ng taumbayan sa PPA kung kayat nararapat lamang na tumahimik ito at tigilan na ang mga pagbabanta.
"Napocor officials should seal their lips completely and not issue threatening public statements about what may happen if the Napocors PPA is suspened or for that matter not imposed," wika pa ni Cayetano.
Sa kasalukuyan ay wala pang konkretong desisyon ang Kongreso kung ano ang gagawin sa PPA.
Ngunit isa sa mga solusyon na naiisip ng mga mambabatas ay ang ibaba ang bayarin sa PPA sa 40 sentimos o mas mababa pa kada kilowatt hour at i-exempt ang ilang sektor sa pagbabayad nito. (Ulat ni Rudy Andal)