^

Bansa

Ocampo, Curato kinampihan ng DOJ

-
Ipinagtanggol kahapon ng Department of Justice (DOJ) ang mga testigong sina Clarissa Ocampo at Atty. Manuel Curato na tumatanggap umano ng pinansiyal na suporta mula sa Equitable PCIBank upang tumestigo laban kay dating Pangulong Estrada.

Ayon kay DOJ Undersecretary Manuel Teehankee, ang tinatanggap na financial support nina Ocampo at Curato ay maikukumpara lamang sa ibinibigay na tulong ng DOJ sa mga testigong sumasailalim sa Witness Protection Program (WPP).

Sinabi pa nito na maituturing na ang halaga ay pakonsuwelo sa mga ito kapalit ng mga sakripisyong kailangan nilang pagdaanan bilang mga testigo.

Gayunman, malaki ang paniniwala ni Teehankee na walang epekto ang suportang ibinibigay ng Equitable sa dalawang testigo sa testimonya ng mga ito sa korte.

Hindi rin naiwasan ni Teehankee na purihin ang depensa nang palutangin ng mga ito ang usapin ukol sa tulong na tinatanggap nina Ocampo at Curato mula sa naturang bangko. Patunay lamang ito na patas ang nagiging pagdinig sa kaso ng pinatalsik na pangulo.

Aniya, nasa kamay na ng hukuman upang timbangin kung ang mga testigo ay binabayaran upang magsinungaling sa korte o kung ang pagtulong ng nabanggit na bangko ay isang simpleng assistance lamang sa mga testigo.

Nauna nang nabungkal ng depensa ang minutes ng board meeting ng Equitable-PCIBank kung saan nakasaad ang pagpapahintulot ng pagbibigay ng kompensasyon para sa dalawang testigo. (Ulat ni Grace Amargo)

CLARISSA OCAMPO

CURATO

DEPARTMENT OF JUSTICE

GRACE AMARGO

MANUEL CURATO

OCAMPO

PANGULONG ESTRADA

TEEHANKEE

UNDERSECRETARY MANUEL TEEHANKEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with