Malalaswang pelikula ang itigil wag ang 'Ama ng Masa' - Nene
April 28, 2002 | 12:00am
Hinamon kahapon ng oposisyon sa Senado ang Movie & Television Review and Classification Board (MTRCB) at Videogram Regulatory Board (VRB) na unahing ipahinto ang pagpapalabas ng malalaswang pelikula kaysa ipatigil ang "Ama ng Masa" documentary film ni dating Pangulong Estrada.
Sinabi ni Sen. Aquilino Pimentel Jr. na walang pornographic scenes, walang karahasan o madugong eksena dito at lalong walang eksenang humihimok sa masa na magrebelde laban sa gobyerno kaya walang dahilan ang MTRCB at VRB para pigilan ang pagpapalabas nito.
Ani Pimentel, kung pinapayagan ng MTRCB na maipalabas sa big screen ang mga maituturing na pornographic film at mga pelikulang sobra sa violent scenes, bakit hindi ang "Ama ng Masa" na isang documentary film. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest