^

Bansa

Syrian nationals na nanggulpi ng ABS-CBN crew parusahan

-
Andrea Domingo na parusahan ang apat na Syrian nationals na nanggulpi ng mga TV crew kamakailan sa Angeles City, Pampanga.

Sinabi nina Senators Noli de Castro at Blas Ople, dapat lamang patawan ng nararapat na parusa ang mga Syrian nationals na sina Galem Madame, Mohd Jouma, Fawaz Habar Kozma at Mohammad Issam El-Debs na honorary consul na nambugbog sa ABS-CBN crew na sina Isagani Taotao at William Natividad.

Ayon kay De Castro, ang agarang pagpapahuli sa mga dayuhan ni Domingo ay magsisiguro na hindi makakaalis ng bansa ang mga ito para makasuhan sa ginawa nilang pananakit sa mga media practitioners.

Wika naman ni Ople,dapat ideklarang persona non-grata ang honorary consul na si El-Debs na nag-alok ng compromise settlement sa ABS-CBN matapos ang pambubugbog sa mga journalist na kumukuha lamang ng video footage sa isang bar kung saan ay naroon sa labas ang mga dayuhan.(Ulat ni Rudy Andal)

ANDREA DOMINGO

ANGELES CITY

BLAS OPLE

DE CASTRO

FAWAZ HABAR KOZMA

GALEM MADAME

ISAGANI TAOTAO

MOHAMMAD ISSAM EL-DEBS

MOHD JOUMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with