Ayon kay Acting Press Secretary Silvestre Afable, ang pag-aaral sa kasapatan ng galunggong ay natalakay matapos matanggap ang impormasyon na P 70 ang isang kilo nito sa pamilihan.
Binigyan diin ng Pangulo na ang galunggong ay isang pangunahing bilihin na kinukunsumo ng mamamayan kung kayat mahalagang may sapat na produksiyon para mapanatiling mababa ang presyo sa pamilihan. (Ulat ni Lilia Tolentino)