Globe, Smart posibleng magtaas ng singil dahil sa bagong taxes
April 24, 2002 | 12:00am
Napipinto na namang magtaas ng singil sa kanilang serbisyo ang mga cellphone companies sa pangunguna ng Smart at Globe Telecom kapag tuluyan nang isinakatuparan ng pamahalaan ang plano nitong pagkaltas ng buwis hindi lang sa mga text messages maging sa lahat ng serbisyo na ibinibigay nito.
Sinabi ng grupong TXTPower na nabulgar ang plano ni Department of Finance Secretary Jose Camacho na kaltasan ng 10% na buwis ang kabuuang kita ng lahat ng cellphone companies. Itoy matapos nitong ihayag na magkakaltas sila ng buwis sa mga text messages na ipinadala ng may 12 subscribers kada araw.
Nagsinungaling umano si Camacho sa pagsasabing sa text lamang sila magkakaltas bagkus sa orihinal na plano ay lahat ng serbisyo sila kukuha ng buwis dahil sa ito ang pinakamadaling paraan upang makalikom ng pera ang pamahalaan.
Sinabi ni Anthony Ian Cruz, spokesman ng TXTPower na ito ang magiging dahilan upang itaas ng Smart at Globe ang kanilang singil sa mga subscribers sa pamamagitan ng pagpasa sa mga tao ng bawas sa kanilang kita.
Tinuligsa rin nito ang katwiran ni Camacho na mapupunta ang buwis na makukuha sa tinatawag na computer education tax para sa pagpapaunlad ng edukasyon sa computer. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended