^

Bansa

Generals sa planong 'coup' tukuyin - Reyes

-
Hinamon ng Malacañang ang mga sangkot sa planong pagtatatag ng military-civilian junta na tukuyin ang sinasabing 19 na heneral na umano’y sumusuporta sa kanila.

Ang pahayag ay mula kay Defense Secretary Angelo Reyes sa isang panayam ng mamamahayag matapos dumalo sa cabinet regional meeting na ginanap sa Hiyas Convention Center sa Malolos, Bulacan.

Sinabi ni Reyes na isa na namang pagbibiro ang balitang ito na ang Council of Philippine Affairs (COPA) ang diumano’y promotor ng pagtatatag ng isang junta sa ilalim ng taguring ‘‘Freedom Force’’ para patalsikin ang Arroyo Administration.

Wala anyang sukat na ikabahala ang mamamayan dahil ang sinasabing military-civilian junta na binabalak itatag ay produkto lang ng imahinasyon.

Sinabi ni Reyes na hindi na siya nag-abala pang kausapin ang COPA sa isyung ito at wala siyang nakikitang pangangailangan para magsagawa ng ‘‘loyalty check’’ sa mga opisyal at kagawad ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Ibinunyag naman kahapon ni Senator Tessie Aquino Oreta na sina C/Supt. Florencio Fianza, Pastor Saycon, board member ng Philippine Deposit Insurance Corporation dating Tarlac Rep. Jose Cojuangco Jr., dating press secretary Teodoro Benigno Jr., na kaalyado nito sa EDSA Dos ang mga umano’y nagpaplanong patalsikin ang kasalukuyang administrasyon matapos ang isang pulong sa Villa San Miguel noong Abril 22, 2002. (Ulat nina Lilia A. Tolentino at Doris Franche)

ARROYO ADMINISTRATION

COUNCIL OF PHILIPPINE AFFAIRS

DEFENSE SECRETARY ANGELO REYES

DORIS FRANCHE

FLORENCIO FIANZA

FREEDOM FORCE

HIYAS CONVENTION CENTER

JOSE COJUANGCO JR.

LILIA A

PASTOR SAYCON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with