^

Bansa

Utak sa bombing kilala na

-
CAMP FERMIN LIRA, Gen. Santos City – Inilunsad kahapon ng mga awtoridad ang isang malawakang manhunt operations laban sa sinasabing utak sa kambal na pambobomba noong Linggo ng hapon na ikinasawi ng labing-limang katao at ikinasugat ng 60 iba pa.

Ayon kay City PNP director Sr. Supt. Jorge Aquisap na kasalukuyan nilang pinaghahanap ang isang Benjie Puntoan, isang commander ng Moro National Liberation Front matapos na makuha nitong makatakas sa isang police raid noong Lunes ng madaling araw.

Sinasabing si Puntoan, na isa umanong foreign trained na rebelde at eksperto sa bomba ang pinaniniwalaang lider ng mga nagpasabog sa harapan ng FitMart Gensan Shopping Mall at sa Silway Bridge noong Linggo.

Nadakip sa nasabing raid ang kapatid nitong si Moniken Ambi Puntoan at bayaw nitong si Modesto Tabilo at nasamsam mula dito ang 2 baril at isang fragmentation grenade.

Sa kasalukuyan ay nadagdagan ang unang bilang ng nasawi ng isa pang biktima na si Boyet Sipalon, 20 matapos na mamatay ito kahapon ng alas-8 ng umaga habang ito ay ginagamot.

Samantala ang dalawang nasakoteng suspek ay kumanta na at itinuro sa pulisya ang kanilang safehouse.

Sa ulat na ipinarating ni PNP-Region 12 director,Sr Supt. Bartolome Baluyot kay PNP chief Director General Leandro Mendoza bukod sa itinuro ng dalawang nadakip ang kanilang safehouse ay sinabi rin ng mga ito ang kinaroroonan ng iba pa nilang mga kasamahan na naglagay ng mga bomba sa nasabing lugar.

Ayon kay Baluyot, dahil sa lead na kanilang nakuha ay malaki ang kanilang pag-asa na agad na mareresolba ang naganap na pagpapasabog.

Subalit hindi muna nila maaaring sabihin ang eksaktong lugar ng mga bombers sa pangamba na maunahan sila ng mga ito sa kanilang gagawing operasyon laban dito.

Sinabi naman ni PNP Spokesman Sr. Supt. Leonardo Espina na mayroon pa rin silang minomonitor na grupo na posibleng sangkot sa naganap na pagpapasabog.

Bumuo naman ang AFP ng Task Force Gensan, na siyang tutugis sa mga bombers, ayon kay Lt. Col. Jose Mabanta, chief ng AFP-Public Information Office.

Ayon kay Mabanta, tatlong company ng mga sundalo, dalawa rito ay mula sa headquarters ng Army’s 6th Infantry Division o kabuuang 360 sundalo ang ideneploy upang mangalaga sa seguridad sa General Santos City.

Maliban sa pagtugis sa mga bombers ay pipigilan rin ng naturang bilang ng mga sundalo ang posible pang pambobomba sa lungsod na ibinabala ni self proclaimed Chief Special Operations Group Abu Muslim Al-Ghazie ng Al Harakatul Al Islamiya ng Abu Sayyaf Group.

Nangako naman kahapon ang liderato ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na tutulong sa pamahalaan sa pagresolba ng pagbomba sa nasabing lungsod.

Sa isang phone interview ng PSN kay MILF Spokesman Eid Kabalu na isang magandang kaganapan sa isinusulong na peace talks ang pag-apela sa kanilang grupo ni Pangulong Arroyo na tumulong sa pamahalaan para mapabilis ang pagresolba sa insidente. (Ulat nina Boyet Jubelag,Doris Franche,Lilia Tolentino at Joy Cantos)

ABU SAYYAF GROUP

AL HARAKATUL AL ISLAMIYA

AYON

BARTOLOME BALUYOT

BENJIE PUNTOAN

BOYET JUBELAG

BOYET SIPALON

CHIEF SPECIAL OPERATIONS GROUP ABU MUSLIM AL-GHAZIE

DIRECTOR GENERAL LEANDRO MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with