Arrest warrant vs taga-pugot ng Sayyaf ipinalabas
April 16, 2002 | 12:00am
Nagpalabas na ng arrest warrant ang hukuman hinggil sa pag-aresto sa itinuturing na "berdugo" ng mga Abu Sayyaf na si Alfredo "Jun" Penaflor.
Ayon kay Justice Secretary Hernando Perez, nagpalabas na si Basilan Regional Trial Court (RTC) Judge Danilo Bucoy ng warrant of arrest laban kay Penaflor na sinampahan ng Department of Justice (DOJ) ng kasong murder dahil sa umanoy pamumugot ng ulo sa mga dinukot ng Abu Sayyaf kung saan ay kinukunan pa ito ng video footage.
Una nang nagpalabas ang Palasyo ng Malacañang ng naturang video upang ipakita ang pananalbahe ng Sayyaf sa kanilang mga dinudukot na biktima. Lumantad naman si Penaflor upang ipahayag na hindi siya isang Abu Sayyaf bagkus, isa rin siyang biktima na dinukot ng bandidong grupo.
Nilinaw naman ni Perez na hinihintay na nila ang return of warrant upang agad ng pasimulan ang pagbasa ng sakdal laban sa naturang akusado.
Ayon pa kay Perez, nasa kamay na ni Penaflor kung paano niya kukumbinsihin ang hukuman na hindi siya isang kriminal at pinilit lamang dulot ng pananakot ng ASG. Kailangan ding patotohanan ni Penaflor na hindi siya isang Abu Sayyaf tulad ng naglabasang mga ulat. Si Peñaflor ay kasalukuyang nasa custody ng PNP-CIDG.. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest