Pagkaing Pinoy delikado dahil sa GMO

Mapanganib ang kasalukuyang linya ng pagkaing Pinoy dahil sa ang mga ito ay punong-puno ng Genetic Modified Organisms (GMO).

Ayon sa pinakahuling ulat ng Greenpeace International ay lumilitaw na mayroong malalang kontaminasyon ng GMO ang may 46 na produktong matatagpuan sa merkado.

Sinabi ni Beam Baconguis, isang eksperto sa genetic Engineering na bahagi ng Greenpeace na matagal ng ipinatutupad ang pandaigdigang pagbabawas ng mga produktong genetically engineered dahil sa long term effect nito sa kalusugan ng tao.

Nangangamba ang Greenpeace na bagaman at hindi pa tiyak ang eksaktong kalalabasan ng mga indibidwal na kumunsumo ng mga produktong may GMO ay tiyak na ang mga ito ay masasabing mayroon ng mutated DNA.

Ilan sa mga kilalang produktong mayroong kontaminasyon ng GMO ay ang Nestle Cerelac, Wheat Infant Cereal, Kellogs, SM Bonus Vienna Franks, Swift Meat Loaf, Purefoods Chicken Nuggets, Campo Carne Chicken, Grannt Goose. (Ulat ni Andi Garcia)

Show comments