^

Bansa

News blackout sa Taguig CID binatikos

-
Binatikos ng mga mamamahayag ang pamunuan ng Taguig Criminal Investigation Division (CID) dahil sa ‘news blackout’ na pinaiiral ng mga pulis dito.

Sinabi ni PO2 Erron Balauat, isa sa mga imbestigador ng nasabing kapulisan, pinagbawalan at nagpalabas umano ng mahigpit na kautusan sa kanila si SPDO Chief Supt. Jose Guiterrez na hindi sila basta-basta magbibigay ng impormasyon sa mga mamamahayag na kumokober sa nasabing lugar.

Ayon sa SPDO reporters, ayaw umano silang bigyan ng istorya lalo’t kapag sa telepono kausap si Balauat dahil ang gusto nito ay magpunta sa kanyang tanggapan ang mga nabanggit na humihingi ng istorya.

Kinondena ng mga reporters ang ganitong asal ng mga kapulisan ng nasabing lugar dahil sa hirap at layo bukod sa grabeng trapik papunta sa CID Police Station sa Taguig ay mauubos anila ang kanilang oras sa pagkokober lamang sa nabanggit na lugar at kung may makuha man na istorya dito ay malamang sarado na ang dyaryo sa kanilang pagbalik sa kani-kanilang mga opisina.

Tinuligsa din ng mga reporters, na kapag nagtungo sila sa CID-Taguig Police Station ay kadalasan umanong walang pulis na maabutan at ang nagsisilbing umanong operator sa telepono ay isang sibilyan.

Gayunman, hiniling ng mga reporters kay PNP Chief Leandro Mendoza at NCRPO Edgar Aglipay na aksyunan ang nasabing reklamo. (Ulat ni Lordeth Bonilla).

vuukle comment

CHIEF LEANDRO MENDOZA

CHIEF SUPT

EDGAR AGLIPAY

ERRON BALAUAT

JOSE GUITERREZ

LORDETH BONILLA

POLICE STATION

TAGUIG CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

TAGUIG POLICE STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with