2 King Cobra umatake sa Davao, 12 katao na ang napapatay
April 7, 2002 | 12:00am
Naghahari ngayon ang matinding sindak sa daan-daang mga residente sa ilang barangay sa bayan ng Mati, Davao Oriental matapos umabot na sa 12 katao ang napapatay ng kamandag ng gumagalang dalawang ahas na King Cobra, ayon sa ulat kahapon.
Sa pinakahuling tala, may dalawang panibagong biktima na pawang mga batang babae ang napatay kamakalawa na kinilalang sina Christina Edano, 4, ng Brgy. Tagbobolo at Annalyn Mahunday, 6, ng Brgy. Caguiscan. Ang mga bata ay natuklaw habang naglalaro sa kanilang bakuran. Natagpuan silang nakahandusay, bumubula ang bibig at may mga bakas ng pangil ng mga ahas at nangingitim ang mga katawan.
Batay sa report na nakarating kahapon sa tanggapan ng Office of Civil Defense (OCD), takot ang nangingibabaw ngayon sa mga residente ng Mati, Davao Oriental dahil pinangangambahang tumaas pa ang bilang ng mga masasawing biktima kung hindi mapapatay ang mga ahas sa lalong madaling panahon.
Sa kasalukuyan ay 12 katao na ang napapatay simula ng sumalakay ito may ilang buwan na ang nakalipas na karamihan ay mga residente ng barangay Banaybanay.
Nabatid na dumulog na sa pamahalaang lokal ang mga residente upang maaksiyunan ang kanilang problema at isang petisyon ang isinumite ng mga nakatira sa mga liblib na lugar sa Brgy. Tagbobolo, Caguiscan at Banaybanay, pawang sa bayan ng Mati.
Naniniwala naman ang Provincial Disaster Coordinating Council sa Davao na ang pananalakay ng King Cobra sa matataong lugar ay bunga na rin ng walang puknat na pagkakaingin ng ilang magsasaka sa mga pinamamahayan ng mga itong lupain.
Ayon sa PDCC, tuluyan nang nasira ang tirahan ng mga ahas sa gubat kaya umabot na ang mga ito sa kapatagan at nakagagala sa matataong lugar.
Kaugnay nito, upang mapigilan ang patuloy na pambibiktima ng mga ahas ay nagpalabas na ang pamahalaang lokal sa bayan ng Mati ng pabuyang "cash" sa sinumang makahuhuli o makapapatay ng anumang uri ng gumagalang mga ahas partikular na ang dalawang King Cobra. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended