Ang panukalang batas, na inihain ng minority sa Senado ay pinapaliwanag na hindi na angkop ang mga sinasahod ng mga empleyado ng gobyerno sa taas ng kasalukuyang bilihin dahil sa patuloy na pagbaba ng halaga ng piso.
Sinabi ni Oreta, ang pagtataas ng suweldo ng mga government employees ay maghihikayat sa kanila para magbigay ng mas magandang serbisyo sa publiko.
Sakaling maipasa ang panukalangg batas, ang isang empleyado ng gobyerno na may "item 1" o pinakamababang ranggo ay makakatanggap ng P7,097 simula sa darating na Hulyo, ang mga nasa salary grade 10 ay tatanggap ng P13,979, salary grade 20 ay P24,855 at salary grade 30 ay P35,179.
Ayon kay Oreta, ibabase ang salary increases sa eight step increment timetable na ibabatay sa tagal ng serbisyo ng empleyado.
Ang pondong gagamitin sa pagbibigay ng umento aniya ay kukunin sa savings sa ibat-ibang departamento ng gobyerno at sa kalaunan ay sa General Appropriations Act. (Ulat ni Rudy Andal)