^

Bansa

Mayor Atienza binigyan ni GMA ng ultimatum para sa pagtatayo ng tenement

-
Binigyan ng isang buwan ultimatum ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo si Manila City Mayor Lito Atienza na bilisan ang pagtatayo ng tenement housing project para sa mga nasunugang pamilya sa Baseco compound sa Tondo, Manila.

Inatasan ni Arroyo, si Atienza na ipaagamit muna ang mga paaaralan bilang pansamantalang tirahan ng mga biktima ng sunog hanggang hindi nakukumpleto ang 5-palapag na tenement housing project na titirhan ng mga ito.

Ang Baseco, ay ipinoroklama ng Pangulo na isang lupaing pag-aari ng gobyerno at inutusan si Atienza na magkaloob ng 32 metro- kuwadradong lote sa mga pamilyang naninirahan dito.

Samantala, inutusan ni Arroyo si WPD Director Sr./Supt. Nicolas Pasinos Jr., na hanapin at panagutin sa batas ang may-ari ng bahay na pinagmulan ng sunog sa nasabing lugar noong Sabado.

Sinabi ni Arroyo, hindi kaagad nagpasaklolo ang pinahahanap na tao nang sumabog ang tangke ng gas na siyang pinagmulan ng sunog na nakapinsala sa maraming residente.

Apat katao ang iniulat na nawawala, 5 ang nasugatan at 3,000 pamilya ang nawalan ng bahay bunga ng sunog na ito.

Ang mga biktima ng sunog na pinaghahanap ng mga awtoridad ay nakilalang sina Beta Arquillano,1; Christina Suntalan,12; Justine Estambay, 4 at Timbulanan Magandag, 60.

Samantala nakiramay ang Pangulo sa pamilyang nawalan ng tahanan at sa pamilya ng apat na nawawala dulot ng malawak na sunog na tumupok sa Baseco compound. (Ulat ni Lilia Tolentino)

ANG BASECO

ATIENZA

BASECO

BETA ARQUILLANO

CHRISTINA SUNTALAN

DIRECTOR SR.

JUSTINE ESTAMBAY

LILIA TOLENTINO

MANILA CITY MAYOR LITO ATIENZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with