^

Bansa

Foreign students di puwedeng kumuha ng board exams

-
Hindi pinapayagan ng Department of Justice (DOJ) na makakuha ng lisensiya sa bansa ang mga dayuhan, partikular ang mga Koreanong estudyante na kumukuha ng dentistry.

Sa apat na pahinang legal opinion na ipinalabas ni Justice Secretary Hernando Perez, sinabi nito na hindi pinapayagan ng batas na makakuha ng board exam sa kahit na anong kurso, partikular na sa hanay ng medisina ang isang dayuhang estudyante.

Ang pagpapalabas ng nasabing opinion ay alinsunod sa naging liham ni Professional Regulation Commission (PRC) chairperson Antonieta Fortuna-Ibe, dahil na rin sa dami ng mga dayuhang mag-aaral na nais kumuha ng board exam upang magkaroon ng lisensya na linya sa kanilang propesyon.

Nilinaw ni Perez ang Republic Act 4410 section 17 kung saan nakasaad dito na tanging mga Pilipinong estudyante lamang ang maaring makakuha ng board exam upang magkaroon ng lisensiya.

Aniya, malinaw ang isinasaad ng batas at walang dahilan upang ito’y kuwestiyunin at pagdudahan.

Iginiit ng kalihim na hindi maaaring makapagsagawa ng kanilang propesyon ang mga ito saan mang panig ng Pilipinas. (Ulat ni Grace Amargo)

vuukle comment

ANIYA

ANTONIETA FORTUNA-IBE

DEPARTMENT OF JUSTICE

GRACE AMARGO

IGINIIT

JUSTICE SECRETARY HERNANDO PEREZ

KOREANONG

NILINAW

PROFESSIONAL REGULATION COMMISSION

REPUBLIC ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with