^

Bansa

GMA humingi ng tulong sa El Shaddai

-
Hinikayat ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang mga miyembro ng El Shaddai Charismatic Movement na mikpagtulungan sa kanyang pamahalan para bumalangkas ng isang programang makapaglalayo sa kabataan sa bawal na gamot.

Ang panawagan ay ginawa ng Pangulo sa kanyang mensaheng binigkas sa pagdalo niya sa El Shaddai Eucharistic Celebration sa San Dionisio, Parañaque City kahapon ng madaling araw.

"Kailangang bigyan natin sila ng ibang paraan sa buhay para hindi bawal na gamot ang lilibang sa kanila," anang Pangulo.

Hiniling ni Arroyo, kay El Shaddai leader Bro. Mike Velarde na tulungan siya sa ginagawa niyang pagsisikap para makalikha ng maraming trabaho sa mamamayan, programang pabahay at murang gamot para sa mahihirap.

"Nananalig tayo bilang Anak ng Diyos na bawa’t isa sa atin ay may layunin na dapat gampanan para sa kaluwalhatian Niya at ng Kanyang kaharian. Nananalig din tayo bilang Pilipino na may mabuti at magandang tadhana na inilaan ang Diyos para sa ating bansa"pagwawakas ng Pangulo.

Ang misa ay pinangasiwaan ni Bishop Teodoro Bacani na dinaluhan ng libu-libong deboto ng El Shaddai para sa pagdiriwang ng "Linggo ng Palaspas". (Ulat ni Lilia Tolentino)

vuukle comment

BISHOP TEODORO BACANI

DIYOS

EL SHADDAI

EL SHADDAI CHARISMATIC MOVEMENT

EL SHADDAI EUCHARISTIC CELEBRATION

LILIA TOLENTINO

MIKE VELARDE

NANANALIG

PANGULO

PARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with