^

Bansa

Destabilisasyon motibo ng bomb scare

-
Pinag-aaralan ngayon ng pamunuan ng PNP kung ano ang gustong ipakahulugan ng mga bombang natagpuan sa Makati, QC, Caloocan at Manila.

Ayon kay PNP Chief Gen. Leandro Mendoza, kung destabilisasyon man ang hatid nito, handa ang kapulisan dahil sila ay naka-alerto sa loob ng 75 araw simula ngayong summer.

Ipinalalagay din ni Mendoza na mayroong grupo na nais lamang na magpakilala sa pamahalaan kaya sunud-sunod ang kanilang pagtatanim ng bomba upang takutin ang publiko.

Sa katunayan umano ay halatang hindi marunong sa paggawa ng mga explosives ang mga naglagay ng bomba dahil pinagsama-sama lamang ang mga bala nito. Kabilang na dito ang balang M203, grenade launcher at 16mm mortar. Ang mga ito ay projectile na kailangan munang i-launch bago pumutok.

Inamin ni Mendoza na mayroong Mindanao group na kumikilos upang itatag ang federal form of government subalit kasalukuyan pa rin nila itong sinisiyasat upang malaman kung mayroong koneksiyon ito sa bomb scare.

Bukod dito, sinabi pa ni Mendoza na ang nakitang mga gamit ng bomba ay kadalasang ginagamit ng mga southern separatist kaya’t ito’y MNLF o MILF. (Ulat ni Doris Franche)

AYON

BUKOD

CALOOCAN

CHIEF GEN

DORIS FRANCHE

INAMIN

IPINALALAGAY

LEANDRO MENDOZA

MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with