Ang Alco-Diesel, Lan-Gas fuel at Super Bunker Formula-L ay mahusay na pamalit sa karaniwang gatong sa mga pabrika, gayundin sa mga sasakyan lalo na sa panahong ito na panay ang taas ng presyo ng langis.
Ang mga nasabing produkto ay inimbento ni Rudy Lantano Sr., na nagkamit ng gold medal mula sa World Intellectual Property Organization. Ang produktong ito ay pinaghalong hanggang 50% ng tubig at krudong bunker-C na karaniwang ginagamit sa industriya, pero mas malakas ang init nito at umaabot sa 95% ang nawawalang pollutants. Pamalit ito sa ordinaryong krudo, ay pinaghalong denatured alcohol at diesel. Ang Lan-Gas, ay gawa sa gasolina denatured alcohol at additives. Bukod sa matipid, mas malakas itong humatak ng makina at walang overheat.
Ayon kay Lantano, ang mga produkto niya ay resulta ng paghahalo ng mga sangkap at additives sa ordinaryong gasolina o krudo sa pamamagitan ng agitating at mixing. Hindi gumagamit ng init ang nasabing paghahalo kaya walang nagiging pollutant na makakasira sa kalikasan.